Kinondina ng China ang ginawang pagsanib puwersa ng US, Australia at United Kingdom para kontrahin sila sa lumalakas na impluwensiya sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Chinese Foreign ministry spokesman Zhao Lijian na ang nasabing kasunduan ay nakakasira sa kapayapaan sa nasabing rehiyon at mas lalong magdudulot ng kaguluhan.
Tinawag pa nito na ang nasabing pagsanib puwersa bilang ‘cold-war mentality’.
Magugunitang inanunsiyo ni Biden ang sanib puwersa nila sa Australia at United Kingdom.
Tutulungan ng US na magkaroon ng kanilang submarine technology ang Australia na siyang una sa loob ng 50 taon gaya ng ginawa nila noong sa UK.
Tiniyak din nina Australian Prime Minister Scott Morrisson at UK Prime Minister Boris Johnson na sa nasabing samahan ay mawawalan na ang banta ng China sa mga karagatan.