-- Advertisements --

Itinuturing ng China na positive development para sa binabalak na joint exploration ang pagbawi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

“We hope the two sides will work together for new progress in the joint exploration,” wika ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian.

“China and the Philippines have reached consensus on joint exploration of oil and gas resources in the South China Sea and set up relevant consultation and cooperation mechanisms,” dagdag nito.

Kamakailan nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na muling ipagpatuloy ang ginagawang exploration sa bahagi ng pinagtatalunang karagatan.

Sa isang statement, sinabi ni DOE Sec. Alfonso Cusi na naglabas na sila ng “resume-to-work” notice sa Service Contractors (SC) para ipagpatuloy ulit ang petroleum activities sa lugar.

Ang SC 59 sa West Balabac, Palawan; at SC 72 na nakakasakop sa Recto Bank ay ino-operate ng Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) at Forum Limited.

Habang ang SC 75, na nasa Northwest Palawan ay ino-operate naman ng PXP Energy Corporation.