-- Advertisements --

Magbibigay ang China ng nasa $31 milyon halaga ng pagkain, gamot at mga bakuna sa Afghanistan.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunyin na ang nasabing desisyon ay inanunsiyo sa ginawang pagpupulong ng mga foreign ministers ng katabing bansa ng Afghanistan.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na magbibigay sila bilang donasyon ng 3 milyong vaccine doses sa Afghanistan sa unang batch.

Magugunitang makailang beses na sinasabi ng China na kanilang ibabahagi sa iba’t-ibang bansa ng mga bakuna laban sa COVID-19 na sariling gawa nila.