-- Advertisements --

Magpapatupad ang Beijing ng paghihigpit sa 2022 Winter Olympics at Paralympics.

Ang mga atleta, coaches at staff hindi pa fully vaccinated laban sa COVID-19 ay dapat sumailalim sa 21 araw na quarantine pagdating nila sa Beijing.

Habang ang mga fully vaccinated naman ay papasok ang mga ito sa “closed-looop management system” sa pagdating nila.

Ikokonsidera naman nila ang mga atleta na magpapakita ng medical exemption kung bakit hindi sila nabakunahan.

Magaganap ang Winter Olympics sa buwan ng Pebrero na susundan ng Paralympics sa Marso.