Nag-isyu ng mahigpit na babala ang China sa Pilipinas na gaganti ito laban sa umano’y paglabag at probokasyon sa disputed waters.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian, hindi umano mai-escalate muli ang maritime situation sa naturang karagatan kung hindi nilalabag at nagpo-provoke ang PH.
Ginawa ng Chinese official ang pahayag matapos akusahan ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro ang China ng pagpapataas ng pressure o demand sa PH para isuko ng bansa ang sovereign rights nito sa disputed waters.
Sinabi din ng kalihim na biktima ang Pilipinas mula sa agresyon ng China. Ginawa ng DND chief ang pahayag matapos ang kaniyang pakikipagpulong sa kaniyang Australian counterpart sa Canberra.
Una na ring tinutulan ng National Security Council (NSC) ang pagtatalaga ng China ng baselines at inakusahan ang China ng paglabag sa soberaniya ng bansa.