-- Advertisements --
Malugod na tinatanggap ng gobyerno ng China ang pagbisita ni Secretary of State Antony Blinken ng United States sa bansa, ayon yan sa pahayag ng isang Chinese foreign ministry spokesman.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Deputy spokesperson Wang Wenbin, kasalukuyang nasa dayalogo ukol sa mga kaayusan ang China at Estados Unidos doon sa bansa.
Dagdag dito, umaasa rin ang China na ang Estados Unidos ay magpapatibay ng tamang pananaw at panindigan ang dayalogo sa halip na komprontasyon ng dalawang naturang estado.
Nauna ng sinabi ng opisyal ng United States, na tinitingnan ng Departamento ng Estado ang pakikipagpulong ni Blinken kay Chinese Foreign Minister Qin Gang sa Beijing, China sa darating na ika-6 ng Pebrero.