-- Advertisements --
Tinatangka ng China na doblehin ang bilang ng kanilang mga nuclear warheads sa susunod na mga taon.
Ayon sa Pentagon, pinapalakas na ng nasabing bansa ang kanilang ship building at paggawa ng mga ballistic at cruise missiles ganun din ang mga air defense systems.
Hindi bababa aniya sa 200 o mas doble ang bilang ng mga makabagong nuclear forces ang ginagawa ngayon ng China.
Magugunitang tinanggihan ng China ang imbitasyon ni US President Donald Trump na magkaroon ng nuclear arms control talks sa Russia.