Masusi umanong nakamasid ang China sa joint maritime exercises sa pagitan ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika at hindi papayagan ang sinuman na maghasik ng gulo sa pinagtatalunang karagatan.
Ito ang mariing babala ng Chinese embassy sa Maynila sa gitna nagpapatuloy na taunang war games ng Amerika at PH sa West Philippine Sea at sa iba pang mga lugar sa bansa kung saan kalahok ang maraming bansa bilang observers.
Sinabi pa ng China na kanilang tutugunan nang may epektibong mga hakbang ang anumang kaugnay na mga aksiyon.
Inihayag din ng embahada na tinututulan ng China ang umano’y external inteference, muscle flexing, probokasyon at harassment sa disputed waters gayundin sa bloc confrontation.
Matatandaan na nagsimula ang ika-39 iteration ng annual Balikatan exercises noong Abril 22 kung saan nasa 16,000 ang lumahok sa sanib-pwersang pagsasanay na nakatuon sa maritime security, sensing and targeting, air and missile defense, dynamic missile strikes, cyber defense, and information operation.
Samantala, nagsagawa din ang Philippine Navy, US Navy, at French Navy ng Multilateral Maritime Exercise sa exclusive economic zone ng PH.