-- Advertisements --

Matagumpay na inilunsad ng China sa orbit ang kanilang final satellite sa BeiDou-3 navigation system.

Dahil aniya sa nasabing paglunsad ay hindi na aasa ang China sa Global Positioning System (GPS) na pag-aari ng US.

Nagkakahalaga ito ng $10 billion na mula sa 35 satellites na nagbibigay ng global navigation coverage.

Ang ikatlong bersyon ng Beidou Navigation Satellite System (BDS) ay nagbibigay ng alternatibo sa GLONASS ng Russia at European Galileo systems.

Noong 2003 ay naging pangatlong bansa ang China na naglunsad ng sariling space mission at mula noon ay nagsagawa na sila ng experimental space station.