Binalaan ng China ang Group of Seven (G7) leaders na matagal ng nawala na ang grupo ng mga maliit na bansa ang nagdedesisyon sa kahihitnan ng mundo.
Ayon sa spokesman ng Chinese embassy sa London na hindi dapat mga maliit na grupo lamang ang magdedesisyon sa kinabukasan ng mundo.
Naniniwala ito na ang mga bansa maliit man o malaki, malakas man o mahina, mayaman man o mahirap ay pantay-pantay na ang anumang kapakanan ng mundo ay dapat dumaan sa masusisng pakikipagpulong sa lahat ng bansa.
Maguguntiang sa ginawang pagpupulong ng mga G7 countries na pinangunahan ng US, Canada, Britain, Italy, Germany, France at Japan sa England ay magkakaisa sila para tapatan ang patuloy na pag-unlad ng China.
Nag-alok din ang G7 sa mga developing nations ng infrastructure scheme na maaaring tapatan ang multi-tirllion-dollar Belt and Road initiative ng China.