-- Advertisements --

Ibinunyag ng National Security Council (NSC) na mayroon plano ang China na makialam sa halalan ng bansa sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, na mayroong mga indikasyon at impormasyon ukol sa operasyon na isinasagawa ng China sa bansa.

Dagdag pa nito na mayroong nais na kandidato ang China na manalo kaya sila ay manghihimasok sa halalan.

Hindi naman direktang sinabi nito kung sino ang nasa likod dahil nagtatago ang mga ito sa third party individuals at mga local proxies sa bansa.