-- Advertisements --
HONG KONG POLICE

Muling nakisawsaw ang China sa Hong Kong sa pamamagitan ng kanilang top legislature para batikusin ang naging desisyon ng Hong Kong court na unconstitutional daw ang pag-ban sa mga face mask na ginagawang diskarte ng mga protesters.

Ginawa ng lehislatura ng China ang reaksiyon isang araw matapos ang ruling ng korte sa Hong Kong.

Batay kasi sa korte, unconstitutional daw ang ban sa face mask.

Giit naman Yan Tanwei, spokesman ng Legislative Affairs Commission ng Standing Committee of the National People’s Congress, ang China lamang ang tanging maaaring makapagbigay ng hatol sa batas ng naturang lungsod lalo na ang may kinalaman sa konstitusyon.

“Whether the laws of the Hong Kong Special Administrative Region comply with the Basic Law of Hong Kong can only be judged and decided by the Standing Committee of the National People’s Congress,” ani Tanwei sa isang statement.

Samantala, inanunsiyo rin ng China State Council ang pagtalaga kay Tang Ping-keung bilang bagong Commissioner of Police ng Hong Kong Administrative Region.

Pinalitan niya si Lo Wai-chung batay na rin sa kahilingan ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.

Agad na iniuotos ni Tang ang patuloy na crackdown sa mga naghahasik ng karahasan at maibalik ang kapayapaan sa lungsod.