-- Advertisements --

Muli nanamang tinagkang harangan ng China Coast Guard ang mga barko ng Plipinas sa West Philippine Sea.

Sa kasagsagan ito ng ginawang resupply mission ng BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc shoal.

Dito ay muling naglagay ng floating barrier ang CCG upang tangkaing pigilan ang pagpasok ng naturang BFAR vessel sa lugar.

Batay sa inilabas na video ng Philippine Coast Guard, makikita na nagmaniobra pa ng paatras ang CCG vessel para lang harangan ang barko ng Pilipinas.

Dahil dito ay nagsagawa na ng radio challenge ang Pilipinas laban dito ngunit nagdeploy naman ng helicopter ang Chinese Navy ng isang helicopter mula sa kanilang warship upang bantayan ang galaw ng BFAR vessel at mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Ngunit bilang tugon naman ay nagdeploy din ang BFAR ng Cessna plane para naman i-monitor ang umano’y panghaharrass na ginagawa ng China Coast Guard.

Samantala, sa kabila nito ay iniulat naman ng PCG na nagawa pa ring malagpasan ng barko ng Pilipinas ang presensya ng China sa lugar at matagumpay na nakapamahagi ng tulong sa 44 na mother fishing boats sa Bajo de Masinloc.