-- Advertisements --
Nag-alok ang Chinese Olympic Committee ng COVID-19 vaccine doses sa mga lalahok sa Tokyo Olympic at 2022 winter games.
Kinumpirma ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach ang nasabing alok ng China.
Dagdag pa nito na babayaran ng IOC ang karagdagan doses ng bakuna para sa mga Olympic at Paralympic team.
Sinabi naman ni Sarah Hirshland ang chief executive ng US Olympic and Paralympic Committee na maaaring ang mga atleta ng US ay nabakunahan na bago pa man magsimula ang Olympics.
Magugunitang kinansela noong 2020 ang Olympics dahil sa COVID-19 pandemic.