Inaprubahan na ng China ang emergency use sa Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine para sa mga nag-edad 3-anyos hanggang 17-anyos.
As of June 3, nasa 723.5 million doses na ng vaccine ang naiturok sa mass vaccination drive sa China.
Nilinaw naman ni chairman Yin Weidong, na kapag ang bakunang Sinovac ay inaalok sa mga mas batang grupo, nakasalalay sa mga health authorities na bumubuo ang mga diskarte sa inoculation ng China.
Sinabi ni Yin na ang mga menor de edad ay ang may mas mababang prayoridad para sa pagbabakuna laban sa coronavirus kumpara sa mga matatanda, na nahaharap sa mas mataas na peligro ng malubhang sintomas pagkatapos ng impeksyon.
Sa paunang mga resulta mula sa Phase I at II na mga klinikal na pagsubok ay nagpakita na ang bakuna ay maaaring magpakita ng tugon sa immune sa tatlo hanggang 17-anyos na mga kalahok, at ang karamihan sa mga masasamang reaksyon ay mild lamang.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pag-submit ng kanilang data for clearance para sa kabataan ang state-backed drugmaker Sinopharm upang maggamit na rin ito sa mge menor de edad.