-- Advertisements --

Ikinagalit ng China ang naging pahayag ng isang miyembro ng Korean group na BTS tungkol sa Korean War.

Sa isang talumpati kasi, sinabi ng miyembro ng grupo na si RM na nilabanan ng South Korea ang US noong 1950-53.

Dagdag pa nito na kinampihan umano ng China ang North Korea sa nasabing giyera.

Isinagawa nito ang talumpati ng makatanggap ng pagkilala ang gupo sa pagdiriwang ng magandang relasyon ng US at South Korea.

Dahil sa pangyayari ay nangangamba ang marami na maaapektuhan ang mga fans at followers ng BTS sa China.