-- Advertisements --

Hindi ikinatuwa ng ilang Chinese officials at state media ang pagpapasa ng U.S. House of Representatives sa Hong Kong Humans Rights at Democracy Act.

Sa kabila nang hindi pa tuluyang pagiging pormal, tila nag-aksaya lamang umano ang China sa paulit-ulit nitong pagkondena sa nasabing dalawang bagong panukala.

Base sa isang Chinese-owned editorial, kung susuportahan ng Amerika ang mga panukalang ito ay sisiguruhin naman ng China na makahahanap sila ng paraan upang hindi sundin ito.

Sa oras na maipatupad ang mga panukala, oobligahin ng US government ang taunang pagkumpirma ng Hong Kong sa kanilang kalayaan laban sa China at kapag nabatid na hindi sumunod dito ang nasabing bansa ay tatanggalan ito ng special trading status na magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ng Hong Kong.

Magbibigay kapangyarihan din ito kay US President Donald Trump na patawan ng sanctions at travel restrictions ang sinomang responsable sa arbitrary detention, torture, at forced confession ng kahit sinong indibidwal sa Hong Kong.