-- Advertisements --

Inakusahan ng China ang Estados Unidos na lumabag sa kanilang mga kasunduan sa multilateral agreement.

Ito’y kasunod ng muling pagpapataw ng Estados Unidos ng 34% na taripa sa bawat produkto ng China na magiging epektibo sa Abril 19, 2025 na magdudulot ng kabuuang 54% na taripa matapos ang naunang 20% na ipinataw dito.

Magkakaroon din ng 10% baseline tariff sa karamihan ng mga produkto mula sa China na mag sisimula sa Sabado.

Bilang tugon, mariing tinutulan ng China ang hakbang na ito at tinawag na isang anyo ng “unilateral bullying,” at nagbanta ng mga countermeasures upang protektahan ang kanilang mga interes.

Sa kabailang banda pinirmahan din ni Trump ang isang executive order na magsasara ng “de minimis” trade loophole na nagpapahintulot sa mga mababang halaga ng mga package mula sa China at Hong Kong na makapasok sa U.S. nang walang buwis.