-- Advertisements --
Nagbabala ang China na sila ay magpapataw ng sanctions sa US firms na sangkot sa pagbebenta ng F-16 fighter jets sa Taiwan.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang, na ito ang kanilang gagawin kapag itinuloy ng US ang nasabing deal.
Magugunitang inaprubahan ng US ang $8 billion deal sa pagbebenta ng 66 aircraft sa Taiwan.
Ang nasabing deal ay isinagawa kasunod ng nangyayaring trade tension sa pagitan ng US at China.