Nagbabala ang China na dudurugin nito ang sinumang dayuhan na manghihimasok sa kanilang teritoryo kabilang ang pinagaagawang karagatan kung saan parte nito ang West Philippine Sea.
Sinabi ito ni Chinese army Lieutenant General He Lei bagamat umaasa umano ang China na mananatili ang disputed water bilang karagatan ng kapayapaan.
Subalit, inihayag din ng Chinese official na kapag pinakilos ng Amerika ang pawn nito nang lihim, itulak ang mga bansa sa front line o kapag ang US na mismo ang nasa front line, ang People’s Liberation Army ng China umano ay determinadong durugin ang sinumang dayuhan na mangangahas na manghimasok sa kanilang territorial, sovereign, maritime rights at interests.
Matatandaan na sa nakalipas na mga buwan, nagkaroon ng salungatan sa pagitan ng US at China kaugnay sa tumataas na assertive approach ng Beijing sa disputed maritime regions kabilang ang South China Sea.
Nitong huwebes, sinabi ni Lt. Gen. He na ang resolution sa naturang mga tensiyon ay nakadepende sa Amerika.