Nangako ang gobyerno ng China na magsasagawa sila ng kinakailangang “countemeasures” sakaling matuloy ang plano ni US President Donald Trump na pagpataw na mas mataas na taripa sa kanilang mga produkto.
Sa pahayag ng Commerce Ministry, sinabi nito na ang anunsyo ni Trump ay isang paglabag sa kasunduan nila ni President Xi Jinping noong Hunyo na hindi pagpapataw ng mas mataas na taripa sa mga Chinese made products.
Giit pa ng ministry, magiging pasanin daw ng Estados Unidos ang kahihinatnan ng kanilang naging desisyon.
Bago ito, sinabi ni Trump na aabot sa $330 billion ang ipapatong nito na panibagong taripa sa mga produkto ng Beijing na mag-uumpisa sa Setyembre 1.
Sa nasabing pagpataw ng taripa ay madadamay din ang mga electronic products gaya ng iPhones. (AP)