-- Advertisements --

Nagbanta ang China sa Taiwan sa posibleng giyera at sinabing papaigtingin pa ang kanilang countermeasures hanggang sa makamit ang ganap na reunification.

Inihayag ito ng China matapos magsagawa ng 2 araw na war games ang Chinese forces nito sa self-ruled island.

Kung saan pinalibutan ng warships at fighter jets ng China ang Taiwan sa ikalawang araw ng military exercise na sinabi ng Beijing na kanilang sinusubukan ang kanilang abilidad na kubkobin ang isla.

Ang aksiyong ito ng China ay ilang araw matapos na pormal na manumpa bilang bagong pangulo ng Taiwan si Pres. Lai Ching-te na nagpahiwatig ng pagsusulong nito para sa kasarinlan ng kanilang teritoryo mula sa China.

Samantala noong unang araw ng military drills ng China noong Huwebes, hinikayat ng Amerika na pinakamalakas na kaalyado at military backer ng Taiwan ang China na maging mahinahon gayundin umapela ang United Nations sa dalawang panig na iwasan ang lumala pa ang tensiyon.