-- Advertisements --
Mayroong $148 million o mahigit P7- billion ang ibibigay ng China sa Pilpinas.
Ito ang naging inisyal na resulta ng pag-uusap nila Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte sa nagpapatuloy na Belt and Road Initiative (BRI) forum sa Beijing.
Hindi naman idinetalye pa ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang nasabing grant ng China.
Inanunsiyo rin ng Chinese President na tuloy-tuloy ang pagkakaroon ng magandang ugnayan nila ng Pilipinas.