Nagbuhos ng donasyong urea fertilizer ang pamahalaan ng China sa Pilipinas bilang pagtulong sa mga kababayan nating magsasaka sa gitna ng mataas na halaga ng fertilizer sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian isa ang mga Pilipinong magsasaka sa lubhang naaapektuhan ng nangyayaring global supply shortages at mataas na presyo ng fertilizers.
Ito ang dahilan kung bakit nagbigay ng donasyon ang China ng apat na milyong piso na halaga ng urea fertilizers sa Department of Agriculture (DA).
Bukod dito ay handa rin aniya ang China na unahin ang procurement ng mga pinirmahang kontrata nito sa Pilipinas.
Samantala, umaasa naman si Huang na mapapagaan at masusuportahan ng kanilang tulong ang dagok na pinagdadaanan ng mga magsasaka sa bansa lalo na sa panahong ito.
Magugunita na una nang iniulat ni Senator Juan Miguel Zubiri na pumapalo na sa Php2,400 ang halaga ng bentahan ng urea fertilizer sa bansa mula sa dating Php800 na presyo nito sa nakalipas na mga buwan.