-- Advertisements --
Nagsagawa ng isang minutong katahimikan ang mga matataas na opisyal ng China para sa mga biktima na nasawi matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Isinagawa ito sa kauna-unahang sesyon ng Chinese People’s Political Consultative Conference (CPCC).
Ang nasabing pagpupulong ay naantala ng dalawang buwan dahil coronavirus pandemic.
Pinangunahan ito ni Chinese President Xi-Jinping at 25 member Politburo ang nasabing pagpupulong.
Hindi rin maiwasan ng mga opisyal na dumalo sa pagpupulong na batikusin ang US dahil sa tila sila raw ang sinisisi sa pagkalat ng nasabing virus.