Naglabas na ng detalyadong impormasyon tungkol sa Covid-19 ang mga health officials sa China.
Ayon sa Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDCC), 80% sa mga kaso ay mayroon ng sakit at karamihan ay mga may edad na.
Ibinunyag din nila ang mataas na panganib sa mga medical staff na inihalimbawa rito ang pagkakasawi dahil sa virus ng hospital director ng Wuhan.
Base sa pagsisiyasat na rin na inilabas, mayroong 2.3% lamang ang death rate sa COVID-19 kung saan halos 2,000 na ang nasawi at mahigit 72,436 ang naapektuhan.
Habang mayroong mahigit 12,000 katao na nadapuan ng virus ang gumaling na.
Sa nasabing bilang 80.9% dito ay mild, 13.8% ay severe at 4.7% ay kritikal.
Karamihan din daw sa mga nasawi ay mga lalaki na mayroong 2.8% habang ang babae ay 1.7%.
Sa nasabing pag-aaral, ang mga pasyente umano na nasa panganib ay yaong may mga may cardiovascular disease, sinusundan ng diabetes, chronic respiratory disease at hypertension.
Bilang reaksiyon, sinabi naman ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang findings daw ng China ay nagpapakita na karamihan ng mga taong kinapitan ng COVID-19 ay hindi nangangahulugan na mamamatay.
Gayunman sa kabila daw na medyo bumababa ang bilang ng mga bagong kaso na nagpositibo sa coronavirus, hindi ito dapat ikampante.
Pwede aniya na bigla itong magbago lalo na at may bagong popolasyon ang mga naapektuhan.
“More than 80 percent of patients have mild disease and will recover. In about 14 percent of cases, the virus causes severe disease, including pneumonia and shortness of breath. And, about five percent of patients have critical disease including respiratory failure, septic shock and multi-organ failure,” ani Dr. Tedros.