Naglagay din ang China ng boya sa may West Philippine Sea ilang araw lamang matapos ang pag-install ng Phillippine Coast Guard ng navigational boya sa mga isla at reefs ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan base sa ship tracking data.
Hindi naman malinaw sa ngayon ang dahilan kung bakit nag-deploy din ang China ng kanilang pinakamalaking beacon vessel na 73 meter-long Haixun sa lugar.
Nabatid na ang naturang barko na na-commission noong 2020, ang siyang responsable para sa paglalagay ng mga boya at pagsasagawa ng maritime patrols at inspeksiyon sa contested water.
Kung magugunita, matagumpay na nakapag-install ang Philippine contingent ng mga boya bilang sovereign marker ngayong buwan sa may kalayaan group of island kabilang dito ang isla ng Patag, Kota, Panata island at ang fishing grounds ng Balagtas Reef at Julian Felipe reef para sa maritime safety at igiit ang sovereign rights ng ating bansa at hurisdiksiyon sa nasabing mga katubigan at magsilbing gabay ng mga mangingisdang Pilipino na naglalayag sa mga lugar lalo na sa panahon ng kalamidad.