Dumating na si Chinese President Xi Jinping sa Osaka, Japan upang dumalo sa gaganapin na G20 summit kung saan magsasagawa ito ng bilateral talks kasama ang iba’t ibang world leaders tulad nina Indian Prime Minister Narendra Modi at US President Donald Trump.
Ito ay sa kabila ng mas lumalalang trade tension sa pagitan ng China at Amerika.
Sinamahan si Xi ng kaniyang delegasyon na binubuo nina Vice Premier Liu He, State Councillor Yang Jiechi at Foreign Minister Wang Yi.
Nakatakdang pag-usapan ng mga pinuno ang status ng trade agreement at upang tuluyan na ring maisapinal ang nasabing deal.
Ayon naman sa ilang eksperto mukhang malabo raw na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng China at Amerika dahil mas marami umanong naiaangkat na produkto mula Estados Unidos papasok ng China.
Kaugnay
Maaari namang i-refund ang taripa na nabayaran na para sa mga eligible products.