-- Advertisements --

Nagmatigas si Chinese President Xi Jinping na hindi ito takot sa trade war sa US.

Ito ay kaniyang unang reaksyon matapos na taasan nila ng 125 percent ang taripa sa lahat ng mga produkto sa US.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagpataw ng US ng 145% na taripa sa mga produkto ng China.

Paglilinaw naman ng China na wala silang balak na dagdagan pa ang 125 percent na taripa na ipinataw nila sa US.

Ayon sa Commerce Ministry ng China na isa ng numbers game ang pagpataw ng US ng tariipa sa US.

Wala din aniya itong maitutulong sa ekonomiya sa dalawang bansa.

Itinuturing din nila na ang hakbang na ito ng US ay isang uri ng pambubully.

Magugunitang ipinagpaliban ni Trump ang pagpataw ng taripa sa maraming bansa sa loob ng 90-araw maliban lamang sa China.C