-- Advertisements --
Amb Chen Xu
Amb Chen Xu/ Twitter

Nagmatigas pa rin ang China na hindi ito mag-iimbita ng mga international experts sa kanilang bansa para imbestigahan ang pinagmulan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Chen Xu, ang United Nations Ambassador to China, dapat tuluyang tapusin muna ang problema sa virus bago nila payagan ang sinuman na mag-imbestiga sa kanilang bansa.

Iginiit nito na walang kuwenta at isang kalokohan ang bintang sa kanila ng US na galing sa isang laboratoryo at sinadya ng pagkalat ng virus.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay binatikos din ni Chen na dapat maging prayoridad nila ang paghahanap ng solusyon hanggang tuluyang magwagi ang lahat laban sa virus.

Tinawag aniya lahat nito na ang alegasyon sa China ay malinaw umanong pamumulitika.