-- Advertisements --
ESSEX POLICE UK

Nagpadala na ang China ng kanilang sariling mga imbestigador sa lugar ng Essex, England
matapos madiskubre ang halos 40 mga bangkay na marami sa mga ito ay mga Chinese nationals na nasa loob ng trailer truck.

Kinumpirma ng Chinese ambassador to the UK Liu Xiaoming na ang team ay pinangungunahan ng minister-counsellor ng kanilang consular affairs.

Nakipagpulong na rin daw ang team sa local police at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

“The Chinese Embassy has sent a team led by the minister-counsellor in charge of consular affairs to Essex, England,” ani Xiaoming sa text message. “They have met with the local police, who said that they are verifying the identity of the 39 deceased, whose nationality still cannot be confirmed.”

Una rito, sinimulan na ring tanggalin ang mga bangkay sa loob ng refrigerated truck at dinala ng ambulance.

Samantala tatlo namang mga properties sa Northern Ireland ang ni-raid ng National Crime Agency upang alamin kung sangkot sa pangyayari ang mga “organised crime groups”.

Binansagan naman ng Essex Police ang kaso bilang “largest-ever murder investigation.”

Ang pagkakabunyag sa dami ng mga namatay ay kasunod din ng babala ng kanilang National Crime Agency (NCA) at Border Force sa pagtaas pa ng bilang ng kaso ng human-smuggling.

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa lugar kung saan naglagay na rin ng Book of Condolence na nasa Thurrock Council Offices bilang alaala sa 99 na mga biktima ng matinding trahedya.