Nagpahayag naman ng mariing pagtutol sa panibagong resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin shoal na inaangkin nito at tinawa na Ren’ai reef.
Sa isang statement, sinabi ng tagapagsalita ng China Coast Guard na 2 replenishment ships at 2 Coast Guard vessels mula sa PH ang pumasok sa bisinidad ng Ayungin shoal nang walang pahintulot umano ng gobyerno ng china at iligal na nag-dala ng contruction materials sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.
Dagdag pa nito na striktong binalaan, trinack at minonitor aniya ng kanilang China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas at epektibong na-regulate ang mga ito.
Patuloy naman ang pagpapatupad aniya ng CCG ng law enforcement activities sa lugar sa ilalim ng hurisdiksyon ng China nang ayon sa batas.
Ginawa ng China ang pahayag kasunod ng anunsiyo ng AFP na matagumpay na nakumpleto ang panibagong resupply mission sa mga tropang sundalo ng PH na nasa warship sa Ayungin shoal.