-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng China ang matagumpay niilang pagpapalipad ng kanilang intercontinental ballistic missile (ICBM).
Ang nasabing missiles ay may kargang dummy warhead at ito ay bumagsak sa Pacific Ocean.
Ayon sa defence ministry ng China na ang test launch ay isang routine at bahagi ng taunang pagsasanay.
Hindi naman malinaw kung ano ang uri ng missiles na ipinalipad at maging ang lugar na tinahak nito.
Nabahala ang Japan sa insidente dahil sa walang anumang abiso na magsasagawa ang China ng test launch.
Kadalasan kasi na bumabagsak ang mga missiles ng China sa Taklamakan Desert sa Xinjang region.
Ito na rin ang unang pagkakataon mula pa noong 1980 ng magpalipad ang China ng kanilang ICBM sa international waters.