May karapatan ang China na tanggihan ang sinumang dayuhan na pumasok sa kanilang bansa.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang , na nasa kanilang gobyerno ang desisyon kung pagbabawalan bang pumasok ang isang dayuhan.
Gaya aniya ng ibang bansa, na ang central government ng China at Hong Kong Special Administrative Region government ay siyang nagpapatupad ng mga batas para sa pagpasok ng isang dayuhan.
Paglilinaw din nito na kahit mayroong diplomatic passport ang isang indibidwal ay hindi otomatikong mabibigyan ng karapatan na ito ay makapasok na.
Reaksyon ito ni Kang sa pagtanggi kay dating Foreign Secretary Albert Del Rosario na pumasok ito sa Hong Kong para dumalo sa isang meeting kahit na mayroon itong diplomatic passport.