Nagpatupad ng bawas-singil ang bansang China sa mga visa fees ng mga biyaherong nagnanais na bumisita sa kanilang bansa mula sa piling mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, binawasan nito ng hanggang 25% ang visa fees ng mga travelers mula sa ating bansa kasama na rin ang mga bansang Thailand, Japan, Mexico, at Vietnam.
Ang patakarang ito ay sumasaklaw sa daan-daang milyong mga biyahero mula sa iba’t-ibang mga bansa na mas magpapadali pa sa mga ito na makakuha ng visa patungong China.
Magiging epektibo ito mula sa darating na Disyembre 11, 2023 hanggang Disyembre 31, 2024.
Kung maaalala, ito ang pinakahuling hakbang na ginawa ng China kamakailan para pataasin ang inbound travel ng mga foreign tourists at businesspeople sa kanilang bansa.