-- Advertisements --
Nagsagawa ng military exercises ang China sa paligid ng Taiwan kung saan ay nilahukan ito ng kanilang army, navy, air at rocket personnel.
Pinalibutan nito ang Taiwan na layong magsanay.
Una nang iginigiit ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang demokratikong teretoryo kasabay ng pagbabanta na gagamit ito ng pwersa para makontrol ang Taiwan.
Kaugnay ng patuloy na paggiit ng China, nagdeploy na rin ito ng mga fighter jets at naval vessels sa paligid ng Taiwan sa mga nakalipas na taon.
Sa kabila nito ay patuloy na iginigiit ng Taiwan na hindi sila pag-mamayari at sakop ng China.
Kung maaalala, tinawag ni Taiwan President Lai Ching-te ang China bilang “foreign hostile force” at tiniyak na titindig laban sa makapangyarihang bansa.