Habang nagsasagawa naman ng joint maritime patrols ang PH kasama ang 4 na ibang pang bansa ngayong Sabado, inanunsiyo din ng China na nagsagawa ito ng naval drill malapit sa Scarborough shoal ngayong araw.
Ayon sa Southern Theater Command ng China, inorganisa nito ang kanilang naval at air forces para magsagawa ng routine reconnaissance, early warning at sea-air patrol exercises malapit sa naturang shoal na tinawag ng Beijing na Huangyan Island.
Inakusahan din nito ang ilan umanong individual external countries na nagpapalala umano ng tensiyon sa disputed waters na lumilikha ng instability sa rehiyon.
Nananatili naman umanong nakataas ang alerto ng kanilang tropa, para depensahan ang soberaniya at maritime rights ng kanilang bansa at committed sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa disputed waters.
Ang naturang Scarborough shoal, na tinatawag ding Panatag shoal at Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles mula sa Palawan na nagsisilbing traditional fishing ground para sa mga Pilipinong mangingisda subalit dahil sa pagharang ng mga barko ng China sa nagiisang bukana sa lagoon ng shoal, nalimitahan ang access para sa mga kababayan nating mangingisda gayundin sa ibang pang mga bansa.