Nagtagumpay ang China sa pagpapadala ng astronauts sa bago nilang space station.
Sumakay ang tatlong astronauts sa Long March-2F rocket na lumipad mula Jiuquan launch center sa Gobi desert.
Matapos ang pitong oras ay nakarating sila sa Tiangong station kung saan mananatili ang mga ito sa loob ng tatlong buwan.
Pinangunahan ni Nie Haisheng, isang kilalang air force pilot ng People’s Liberation Army, na nagsilbing commander ng mission habang dalawang kasama nitong astronaut ay mga miyembro din ng military.
Ayon kay Huang Weifen ng China Manned Space Program na magsasagawa ang mga astronauts ng spacewalks sa kasagsagan ng mission na magtatagal ng hanggang pitong oras.
Sumailalim ng mahigit 6,000 oras ng training ang mga crew kabilang ang underwater somersaults habang na nakasuot ng full space gear.
Isinabay ang China ang paglunsad ng space station sa nalalapit na 100 anibersaryo ng kanilang ruling Communist Party sa Hulyo 1.