Nagtayo ang China ng kanilang bandila sa buwan matapos ang paglapag ng kanilang spacecraft.
Ang nasabing paglalagay ng bandila ay pagkatapos ng mahigit 50 taon ng unang beses na magtanim ang US ng kanila ring watawat sa buwan.
Ipinagmalaki ng National Space Administration ng China ang larawan ng kanilang bandila na nakatanim sa buwan.
Ang larawan ay kinunan ng camera na nakakabit sa Chang’e-5 space probe bago bumalik sa mundo kasama ang kinuhang ilang mga rock samples.
May lapad ang bandila na dalawang metro at may taas na 90 sentimetro na tumitimbang ng hanggang isang kilo kung saan may inilagay silang proteksyon laban sa malamig na temperatura.
Sinabi ni project developer ng Chang’e-5 Li Yunfeng na hindi makakaya ng ordinaryong bandila kapag ito ay inilagay sa buwan.
Magugunitang nagtayo ng bandila ang US sa buwan ng matagumpay ang paglabag ng kanilang Apollo 11 mission nong 1969.
Limang bandila pa ang itinanim nila sa kasagsagan ng mission hanggang 1972.