Nagbabala si Chinese President Xi Jinping na nahaharap ngayon ang China sa isang “malubhang sitwasyon” bunsod ng aniya’y napakabilis na pagkalat ng novel coronavirus na kumapit na sa mahigit 1,300 katao sa kanilang bansa.
Pahayag ito ni Xi kasabay ng pagkukumahog ng mga Chinese authorities na mapigilan ang paglaganap ng bagong virus, na nag-umpisa sa lungsod g Wuhan, at kumapit na sa mahigit 1,300 Tsino.
Sa ulat mula sa official news agency na Xinhua, sinabi ni Xi na dahil sa nasabing krisis ay kailangan paumanong palakasin ang liderato ng Party Central Committee.
“Faced with the grave situation of an accelerating spread of the new coronavirus… it is necessary to strengthen the centralized and unified leadership of the Party Central Committee,” wika ni Xi.
“As long as we have steadfast confidence, work together, scientific prevention and cures, and precise policies, we will definitely be able to win the battle,” dagdag nito.
Kamakailan ay isinailalim na sa effective quarantine ang Wuhan at ang 11-milyong populasyon nito.
Sinimulan na rin ng mga rehiyong malayo sa epidemic epicenter tulad ng Beijing na pigilan ang pagbuhos ng mga tao sa kanilang mga lugar, lalo pa’t umakyat na sa 41 ang death toll. (AFP)