-- Advertisements --

Nakuha ng defending champion China ang ang unang panalo sa pagsisimula ng AVC Cup for Women na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.

Tinalo kasi ng China ang South Korea sa score na 25-9, 25-8 at 25-9.

Bumida sa panalo ng China si Zhuang Yushan na nagtala ng 13 points habang mayroong 11 points si Zhou Yetong.

Hindi na hinayaan pa ng five-time AVC Cup Champion na makaporma ang mga manlalaro ng South Koreans.

Susunod na makakaharap nila ngayong Lunes ang Vietnam na tumalo sa Pilipinas nitong Linggo para sa Pool A.

Sa ibang laro naman ay tinalo ng Japan ang Thailand sa score na 25-18, 25-19 at 25-22.