-- Advertisements --

Nananatiling tikom ang bibig ng China sa nabunyag na umano’y military drill nito sa karagatan malapit sa Taiwan.

Una rito ay natuklasan ng Taiwanese authorities ang umanong blockade simulation na ginagawa ng China malapit sa isla, gamit ang naval at coast guard ship nito.

Maliban sa blockade drill na malapit sa Taiwan, mayroon pang isang formation sa kalagitnaan ng karagatan, sa pagitan ng Okinawa Islands ng Japan at Northern Philippines.

Matapos itong ibunyag ng Taiwan, hindi ito direktang sinagot o kinumpirma ng China.

Sa halip ay sinabi ng top spokesperson ng Chinese Defense Ministry na mananatiling kokontra ang People’s Liberation Army sa Taiwan independence.

Sa kabila nito, nanindigan ang Taiwan na babantayan ang isinasagawang drill ng China.

Ayon sa Taiwanese governement, itinuturing nila itong banta sa kanilang seguridad at tiniyak ang kahandaang tumugon dito kung kinakailangan.