-- Advertisements --

Hiniling ng China kay US President Donald Trump na tuluyan ng kanselahin ang tinatawag nitong reciprocal tariffs.

Ayon sa commerce ministry ng China na dapat ay itama na ng US ang kaniyang kamalian at bumalik na lamang ito sa daan ng mutual respect.

Pinag-aaralan din ng China ang epekto ng hakbang ni Trump na hindi niya isasama na patawan ng taripa ang ilang mga technological products na gawa sa China.

Ilan sa mga produkto na ito ay ang smartphones, computers at semiconductors na kapag pinatawan ng mataas na taripa ay inaasahang tataas ang presyo ng mga gadgets.

Magugunitang inanunsiyo ni Trump ang 90-araw na pagpapatupad ng taripa pero tinaasan nito ang taripa sa mga Chinese imports at ginawang 145%.