-- Advertisements --

Sumama na rin ang China sa panawagan sa Israel na dapat ay matapos na ang kaguluhan sa Gaza.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, na marapat na matigil ang kaguluhan sa Gaza at ang pagganti ay hindi dapat kasagutan para matigil ang kaguluhan.

Giit pa nito na walang magiging panalo sa anumang kaguluhan sa nasabing lugar.

Muling binigyang halaga ni Yi na ang pagkakaroon ng ceasefire at pagpapakawala ng mga bihag ay siyang susi para matigil na ang kaguluhan.