Iginiit ng China na ligal ang pagkumpiska nito sa Taiwanese fishing boat sa Taiwan Strait.
Una rito ay iniulat ng Taiwan ang ginawa ng China na pagkumpiska at pagdetene sa isang Taiwanese fishing boat (Dajinman 88) na nangingisda sa Taiwan Strait, ang karagatan sa pagitan ng Taiwan at China.
Isinama rin ng mga Chinese officials ang mga crew ng naturang banka.
Ayon kay Liu Dejun, spokesperson ng China Coast Guard, kinumpiska nila ang fishing boat dahil sa illegal fishing.
Nilabag umano ng banka ang fishing moratorium na inilatag ng China sa mga katubigang sinasakop at inaangkin nito.
Gumagamit din umano ang naturang banka ng mga fishing nets na mas maliliit kaysa sa mga pinapayagan ng batas ng China.
Sa kabila nito ay nanindigan ang pamahalaan ng Taiwan na hindi iligal ang ginawang pangingisda ng Dajinman 88.
Ayon kay Hsieh Ching-chin, tagapagsalita ng Taiwan Coast Guard, ang naturang banka ay nasa katubigang sakop ng Taiwan, taliwas sa ibinabato ng China.
Nangyari ang insidente noong gabi nmg Martes(July2). Ayon sa pamahalaan ng Taiwan, ang naturang banka ay mayroong isang kapitan at limang crew.