Nanindigan ang China na wala itong nakikitang mali sa paglalagay din ng mga boya sa may West Philippine Sea sapagkat ito umano ay “accordance with the law”.
Ginawa ng Chinese Embassy sa Maynila ang naturang pahayag ngayong araw matapos na maobserbahan sa isang ship tracking data ang pagdedeploy din ng nito ng kanilang pinakamalaking beacon vessel sa West Philippine Sea.
Ito ay ilang araw lamang matapos ang matagumpay na paglalagay ng mga karagdagang 5 navigational boya na mayroong nakamarkang bandila ng Pilipinas sa Kalayaan Group of Islands sa WPS bilang sovereign markers.
Inihayag ng Embahada na ang paglalahay ng China ng kanilang boya sa inaangkin nitong karagatan na Spratly Island na parte ng exclusive economic zone Pilipinas ay isang gawain aniya ng pag-exercise ng kanilang soberniya alinsunod sa batas.
Layunin din umano nito na matiyak ang ligtas na maritime navigation at mga operasyon sa naturang karagatan at maghatid ng public goods para sa mga naglalayag na mga barko at mga bansa sa rehiyon.