Muling iginiit ng China ang pagtutol nito sa deployment ng US missile system sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian na mistulang pinapayagan lamang ng Pilipinas na lalong lalala ang tensyon at hidwaan sa Indo-Pacific Region kapag pinayagan ang deployment ng US missile system.
Ang naturang hakbang din aniya ay tiyak na magpapalala sa geopolitical tension at arms race sa rehiyon.
Hinikayat ng Chinese official ang US at ang Pilipinas na tanggalin na ang missile system ng US at gawin itong bukas sa publiko.
Maalalang idineploy ng US ang Mid-Range Capability (MRC) missile system to Northern Luzon noong unang bahagi ng Abril, 2024 bilang bahagi ng Salaknib Exercise 2024.
Ginamit din ang naturang missile system sa sumunod na Balikatan Exercises.
Gayunpaman, nauna nang binatikos ng Russia at China ang naturang hakbang, hiniling na tanggalin, at ibalik sa US.