Naniniwala ang China na walang isyu sa kalayaan sa paglalayag sa pinag-aagawang karagatan kung saan parte nito ang West PH Sea sa kabila pa ng paulit-ulit na pagsasagawa nito ng mapanganib na maniobra laban sa mga barko ng Pilipinas sa lugar.
Kaugnay nito, kinuwestyon din ng China ang hakbang ng PH at mga kaalyado nito para sa paglikha ng multilateral maritime cooperation.
Ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ang naturang pahayag kasunod ng anunsiyo ni US National Security Adviser Jake Sullivan na inaasahang magsasagawa ng karagdagan pang joint patrols sa pagitan ng mga tropang sundalo ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea.
Una rito, sinabi ng Chinese official na tinututulan ng China ang pagpapangkat ng mga bansa kasabay ng pagpupulong nina PBBM, US Pres. Joe Biden at Japan PM Fumio Kishida sa White House para palakasin pa ang maritime partnership ng 3 bansa.
Ngayong araw nga ay idinaos ang kauna-unahan at makasaysayang trilateral meeting ng 3 lider ng Japan, US at PH sa Washington para pag-usapan at matugunan ang mga isyu sa WPS kabilang ang kaligtasan ng mga tropang nagpapatroliya sa karagatan at kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda sa kanilang traditional fishing ground.
Samantala, iginiit ni Mao Ning na sa pamamagitan ng concerted efforts ng Chin at mga bansa sa ASEAN, mapayapa sa pangkalahatan ang disputed water at stable.