-- Advertisements --
Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang southwestern China.
Unang tumama ang 5.9 magnitude na lindol sa probinsiya ng Sichuan at pagkatapos ng 30 minutos ay yumanig ang 5.2 magnitude.
Ayon sa pagtaya ng United States Geological Survey na may lalim na 10 km at ang sentro nito ay sa Changning country.
Naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng bansa gaya sa Chengdu, at Chongqing.
Maraming mga afteshocks din ang naramdaman sa nasabing lugar.
Wala namang naitalang anumang damyos o kamatayan sa nasabing pagyanig.