-- Advertisements --

Nagbabala ang China na papatawan ng mabigat na kaparusahan ang sinumang magtatangkang aakyat sa tinaguriang “wild Great Wall”.

Ang nasabing termino ay ginamit sa sikat na landmark na hindi na naayos at sarado pa sa turista.

Magaganap kasi ang Golden Week sa China kung saan inaasahan na maraming mga turista ang inaasahang bibisita.

Aabot sa hanggang $4,000 ang ipapataw na multa sa mahuhuling lalabag.

Mayroon din silang itinalagang mga 131 na guardiya na magbabantay sa nasabing lugar.